*In Filipino. Unless someone wants me to translate it in English. XD
Sabi nila, ang mga
fairytales daw ay anti-feminist. Bakit? Kasi, isinalalarawan sa mga
fairytales ang pagiging “damsel in distress” ng mga babae.
Ipinakikita rito na mahina ang mga babae at na hindi nila kayang
magkaroon ng “happily ever after” sa kanilang mga sarili.
Siguro nga. Sa totoo
lang, ganito rin ang tingin ko nung una. Bakit nga naman kasi
kailangan pang maghintay ng mga prinsesa sa kani-kanilang mga
prinsipe para iligtas sila mula sa mga sitwasyon na kinalalagyan
nila? Bakit hindi na lang sila gumawa ng paraan para isalba ang mga
sarili nila?
Bigla ko lang naisip,
siguro nga iyong ideya na yun ang madalas at mabilis na nakikita ng
mga “feminist”. Hindi pa naman ako hardcore na feminist pero sabi
ko nga na miski ako, yun din ang una kong kritiko sa mga fairytales.
Pero, subukan nating
tingnan sa ibang anggulo. Paano kung ang gusto naman pala nitong
iparating ay hindi: “Babae, magtiis ka lang at maghintay dahil
darating rin ang prinsipe mo na siyang magliligtas sayo” kundi:
“Babae, kung ang lalaking iyan ang para sayo, gagawin niya ang
lahat para sayo.” Ok, hindi literal na lahat.
Paano nga naman kung ang
gusto talagang sabihin nito ay: “Lalaki, kung gusto mo talaga si
Babae, dapat handa kang maghanap sa buong kaharian, pumuksa ng dragon
at lumaban sa mangkukulam.”
(Ridiculous! XD)
Yun nga lang, hindi naman
trip ng mga lalaki ang mga fairytales. At malamang na malamang na
hindi little boys ang target
market nito.
Si Cinderella, hinubad
lang ang sapatos nagka-lovelife na. Ikaw, hinubad mo na lahat, wala
pa rin.
-Anonymous
Terrible
but hilarious joke. I know.
Kaya
imbes na tumambay ka lang at maghintay sa loob ng mataas na tore...
Go
out and explore! Enjoy life and everything that it can offer.
Girls
should live their lives.
Kung
kilala mo si Kelly Cutrone, alam mo kung gaano siya ka-successful na
tao. Isa siya sa mga pinakama-impluwensya at makapangyarihan na
nilalang sa mundo ng fashion.
Si
Kelly mismo, hindi pabor sa mga fairytales. Nabanggit pa nga nya sa
kanyang librong “If you have to cry, go outside” na hangga't
maaari ay iniiwasan niyang mapanood ng kanyang anak na babae ang
kahit na anong fairytale dahil hindi niya gusto ang impluwensya nito.
Marami
na rin akong nabasa at narinig na ganito ang pananaw. Hindi mo sila
masisisi dahil may punto nga naman ang mga opinyon nila.
Sa
panahon ngayon, hindi na dapat mauso ang mga “damsel in distress/
Maria Clara peg”. Dapat, ang mga babae ay maging “Gabriela
Silang” o “Katniss Everdeen” o “Tris Prior” na. Mabuti nga
at nabubuksan na ang mga mata ng publiko sa tunay na kahalagahan at
kalakasan ng mga kababaihan.
Ngayon,
pantay-pantay na. Apir!
No comments:
Post a Comment